Winawarningan ko kayo. Nobela at madrama entry ko. So kung wala kayong masasabing matino, wag na lang kayo magcomment. Very loud and clear yan. Nga pala, may ipapakinig ako sa inyong music. Ayan yung title, sa taas. Alam nyo yan diba? Si Rihanna kumanta nyan. Lyrics Dito ▼
Bahala kayo magwonder kung bakit may bold-styled letters jan.
Tanong lang. Naranasan nyo na bang masaktan ng mahal nyo? Yung tipong pinangako nyang di ka nya sasaktan tapos di naman pala? Na inakala sya yung magpapatigil ng luha mo sa pagtulo nito pero sya pala yung magiging reason kung bat ka nagkakaganon? Ang sakit noh? Hay. Ewan ko ba at ewan ko na lang. Pakiramdam ko naglolokohan na lang kami eh. Wala na nga kong maramdaman eh. Ni hindi ako makaiyak man lang. Siguro mamaya pero ewan ko.
Ang alam ko kase girlfriend ako or girlfriend lang ako kaya ganun yung nangyare? Hmm. Ano nga kaya? Sa pagkakaalam ko, wala naman akong tinatago whatsoever. Bat kaylangang ako lagi yung masaktan? Napakaunfair nga naman. Di ko rin maintindihan sa lahat ng tao, bakit sya pa diba? Eh ang dami namang pwede. Yung taong di mo pa inakalang gagawa nun sayo, sya pa pala. Hay. Kelan ba matatapos ang paghihirap ko? Kawawa naman yung puso ko oh. Di makaiyak. Sa sobrang bigat siguro ng dinadala? Ang cheesy ko sobra! Sabi ko naman sa inyo madrama toh eh. At nga pala, wag nyong sabihing naaawa kayo sakin ha? Sumpa ko talaga kayo, promise. Di lang ako sinwerte, baka nga ganon. Hindi laging masaya. Tignan nyo, kakasabi ko lang na ayos na kami pero eto, malawakang issue na naman na di ko masabi sa inyo kase wala akong lakas ng loob. Pansin nyo ba? After ng okay na entry ko, eto na naman. One after another noh? Ang komplikado masyado. Kaya ko pa kaya? Pagod na ko eh. Kelan kaya ko pwedeng magpahinga kahit ilang buwan lang noh? Deserving naman siguro ako para don. Tsaka ang galing ko din naman, nakakasmile pa rin ako kahit pano. Indahin nalang ang sakit kumbaga. Ganun eh, martir. Duh. Nakakainis! Sana walang makahalata sa pinagdadaanan ko ngayon, ayokong magopen dahil ayokong mapaiyak. Ayoko kayang hikain. Baka mamatay na lang ako bigla eh. Sayang naman. Ang dami ko pang pangarap.
Oh ikaw. Lam ko mababasa mo toh. Makonsensya ka. Gusto kitang palakpakan dahil sa ginawa mo. Ang galing sobra. Di ko inakala. Ilan pa ba yan? Sana ibuhos mo na lahat. Wag yung uunti-untiin mo pa. Sobra na kase eh. Lam mo yun? Baka di nako makabangon, maawa ka naman sakin. Tsaka wag mo ng sabihin saking magbabago ka at di mo na uulitin. Sus naman. Ilang beses mo na bang nasabi yun? Hay nako. Nakakasawa na. Mag-iba ka ng linya, try mo lang baka umpekto sakin.
Ano pa ba? Sige yan na lang muna. Kung sino man jan may mabuting puso na pwede kong iyakan yung shoulder, peram muna saglit. Kahit half-day lang. Hay. Kainis. Ang corny na, cheesy pa. Sige. Bahala na kayo magcomment kung gusto nyo. Pasensya na sa mga non-Tagalog readers, wala ko sa mood magtype sa Ingles.